π£ππππ¨π‘ππ§π π¦π π£ππ πππ‘π¦ππ‘π ππ₯ππͺ π‘π π ππ πππ¬ππ‘π
8/31/26, 12:00 PM
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Davao sa buong bansa sa paggunita ng National Heroes Day ngayong Agosto 31, 2026, sa OsmeΓ±a Park, Davao City.
Pinangunahan ni Davao City Vice Mayor Rodrigo βRigoβ Duterte II ang seremonya at ibinahagi ang mensahe ni Mayor Sebastian βBasteβ Duterte para sa okasyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Baste ang kahalagahan ng pag-alala at pagkilala sa mga kalalakihan at kababaihang, sa ibaβt ibang yugto ng ating kasaysayan, ay nanindigan laban sa pang-aapi, ipinagtanggol ang bansa, at nagsakripisyo para sa kalayaan at kinabukasan ng sambayanang Pilipino.
βToday, we remember the men and women who, in different chapters of our history, stood against oppression, defended our country and made sacrifices for the freedom and future of the Filipino people. Their sacrifices remind us that the rights and freedoms we enjoy came at a cost.β
Ang kanilang kabayanihan ay nagsisilbing paalala na ang kalayaan at mga karapatang tinatamasa natin ngayon ay hindi basta ipinagkaloob, kundi bunga ng tapang, sakripisyo at pagmamahal sa bayan ng mga nauna sa atin.
Sa patuloy na pagharap sa mga hamon ng panahon, tungkulin nating panatilihing buhay ang kanilang alaala at isabuhay ang mga pagpapahalagang kanilang ipinamalasβang tapang na manindigan, malasakit sa kapwa, pagmamahal sa bayan, at tapat na paglilingkod.
Nakiisa rin sa seremonya ang mga kinatawan mula sa Davao City Police Office, 1003rd Infantry Brigade, Naval Forces Eastern Mindanao, Task Force Davao, Public Safety and Security Office, ibaβt ibang ahensya ng pamahalaan, mga miyembro ng Davao City Council, mga beterano ng digmaan, at mga kinatawan ng mga konsulado ng Indonesia, Japan, China at Malaysia.
Sa araw na ito, ating alalahanin hindi lamang ang mga bayaning nakaukit sa ating mga aklat ng kasaysayan, kundi maging ang mga ordinaryong Pilipinong patuloy na naglilingkod, nagsasakripisyo at naninindigan para sa kapakanan ng bayan.
Mabuhay ang ating mga bayani!
Mabuhay ang Pilipinas!

.png)